Add parallel Print Page Options

At sa harapan ng luklukan, ay wari na may isang (A)dagat na bubog na katulad ng salamin; (B)at sa gitna ng luklukan, at sa palibot ng luklukan, ay may apat na nilalang na buhay na puno ng mga mata sa harapan at sa likuran.

At (C)ang unang nilalang ay katulad ng isang leon, at ang ikalawang nilalang ay katulad ng isang guyang baka, at ang ikatlong nilalang ay may mukhang katulad ng sa isang tao, at ang ikaapat na nilalang ay katulad ng isang agila na lumilipad.

At ang apat na nilalang na buhay, na may (D)anim na pakpak bawa't isa sa kanila, ay mga puno ng mata sa palibot at sa loob; at sila'y walang pahinga araw at gabi, na nagsasabi,

(E)Banal, banal, banal, ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, (F)na nabuhay at nabubuhay at siyang darating.

Read full chapter